-- Advertisements --

Magbibigay ng libreng bakuna laban sa monkeypox ang United Kingdom Health Security Agency sa kanilang mamamayan.

Sinabi ni UK Head of Immunization Mary Ramsay na naging malaking tulong ang contact tracing para agad na malimitahan ang pagkalat ng virus.

Karamihan na nagpopositibo sa nasabing virus ay mga kalalakihan at mga bisexual.

Nagpahayag naman ang Committee on Vaccination and Immunization ng UK sa nasabing panukala.