-- Advertisements --

Bumisita sa Ukraine ang bagong foreign minister ng United Kingdom na si David Cameron.

Ito ang unang working visit ni Cameron mula ng italaga siya sa puwesto.

Nakipagpulong si Cameron kay Ukraine President Volodymyr Zelensky.

Ipinarating ni Cameron na tuloy pa rin ang suporta ng UK sa Ukraine dahil sa ginawang paglusob ng Russia.

Labis naman na nagpasalamat ang Ukrainian President dahil sa napili ni Cameron ang Ukraine bilang unang bansa na kaniyang binisita mula ng maupo siya.