-- Advertisements --

Nagkapatawaran na sina UFC president Dana White at asawa nitong si Anne matapos na sila ay nagsampalan.

Nangyari ang insidente sa pagsalubong ng Bagong Taon habang sila ay nasa isang club sa Mexico.

Nagkaroon aniya sila ng hindi argumento na nagresulta sa pananakit.

Ayon sa 53-anyos na si White na kapwa silang nasa impluwensiya ng alak.

Kapwa humingi na rin ang dalawa ng paumanhin sa tatlo nilang anak matapos ang pagkalat ng video.

Pagtitiyak na hindi na mauulit pa ang insidente at sila ay nakatutok na sa kanilang pamilya.