-- Advertisements --

Kinansela ni UFC President Dana White ang UFC 279 press conference pagkatapos ng malaking gulo sa backstage

Ito ay matapos umanong magkaroon ng argumento at physical confrontation sina Kevin Holland at Khamzat Chimaev.

Dahil dito, ipinagpaliban ni White ang nakatakda sanang press conference.

Ayon kay White, ang dalawang UFC fighters ay hindi naman nagpalitan ng suntok.

Ngunit para maiwasan ang malaking gulo kinansela na lamang ang conference.

Sinasabing ang koponan ni UFC fighter Nate Diaz ay sangkot din daw sa insidente. (with reports from Bombo John Carlo Galvez)