Hinikayat ng Japan ang United Arab Emirates na mag-pump ng mas maraming langis para kalmado ang mga pamilihan na apektado ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine, ang pinakabagong pangunahing mamimili na nag-lobby sa mga Gulf producers.
Ginawa ni Japan’s Foreign Minister Yoshimasa Hayashisa ang pakiusap matapos itong makipagpulong sa mga opisyal ng Emirati kasabay ng pagbisita ng Germany’s economy minister, tatlong linggo pagkatapos ng opensiba ng Russia.
Si British Prime Minister Boris Johnson din ay lumipad sa UAE at Saudi Arabia upang itulak ang mas maraming langis ngayong linggo sa isang bid upang mapagaan ang mga presyo ng higit sa $100 bawat bariles at masiguro ang non-Russian supplies.
Magugunitang ang UAE ay nagsusuplay ng importasyon ng langis ng Japan.
Hindi naman nangako ang UAE ng karagdagang produksyon mula sa UAE, na nagbigay-diin sa pagkakahanay nito sa alyansa ng langis ng OPEC+ na kinabibilangan ng Russia.