-- Advertisements --
Ginulat ni Irish rock star at U2 frontman Bono ang mga mamamayan ng Ukraine.
Habang nasa Ukraine kasi ito ay nagsagawa ito ng surpresang pagkanta sa downtown metro station ng Kyiv kasama ang gitarista ng U2 na si The Edge.
Kinanta nito ang mga hit song ng grupo gaya ng “With or Without You”, “Desire” at “Sunday Bloody Sunday”.
Nakisabay rin sa pagkanta ang mga sundalo ng Ukraine na nasa lugar.
Nanawagan din ang singer sa mga kapwa singer at ibang bansa na suportahan ang Ukraine matapos na lusubin sila ng Russia.










