-- Advertisements --
Hong Kong protest
HK proteset

Ikinagalit ng US State Department ang ginawa ng China sa American diplomat nila sa Hong Kong.

Ito ay matapos na ilabas nito ang mga personal impormasyon ng kanilang diplomat sa Hong Kong kabilang na ang pangalan ng mga anak nito na inilathala ng pro-government newspaper.

Kinilala ang diplomat na si Julie Eadeh na lahat ng mga personal na impormasyon ay inilabas maging ang pangalan ng asawa at mga batang anak nila.

Ang nasabing hakbang ay kasunod pa rin ng malawakang kilos protesta sa Hong Kong, kung saan inakusahan ng China ang US ng panghihimasok.

Nauna ng pinatawag ng Ministry of Foreign Affairs ng China ang officer sa US Consulate General sa Hong Kong matapos ang isinagawang pagpupulong sa mga local opposition liders.