Kinumpirma ni Indiana Pacers head coach Rick Carlisle na 100 porsyentong makakalaro si point guard Tyrese Haliburton para sa Game 3 ng NBA Finals ngayong Miyerkules ito’y kahit pa na hindi pa ganap na gumagaling mula sa natamong injury si Haliburton.
Sa ngayon ay tabla ang serye sa 1-1 sa best-of-seven matchup.
Sa kabila ng bahagyang injury, tiniyak ni Carlisle na walang makakapigil sa mga manlalaro ng Pacers na maglaro sa game na gaganapin sa kanilang home court.
Matatandaan na si Haliburton ang nagbigay ng panalo sa Pacers sa Game 1 sa pamamagitan ng isang crucial jumpshot laban sa Oklahoma City Thunder.
Sa Game 2 naman, bagamat nahirapan sa depensa at nakagawa ng limang turnovers, sinabi ng 25-anyos na manlalaro na ang injury niya sa ibabang bahagi ng binti ay hindi magiging sagabal.
“I feel fine and I’ll be ready to go for Game 3,” sabi ni Haliburton.