Binabantayan ng state weather bureau ang bagyong Bavi na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Hulyo 3, 2026.
Ayon sa ulat, huling namataan ang bagyo sa layong 3,190 kilometro silangan ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 150 kilometro kada oras malapit sa gitna, at may pagbugso ng hangin na hanggang 185 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Bagama’t wala pang direktang epekto sa bansa, patuloy na mino-monitor ng mga eksperto ang galaw ng bagyo dahil maaari itong makaapekto sa lagay ng panahon sa mga susunod na araw kung sakaling pumasok sa PAR.
Kung papasok sa Philippine territory, tatawagin itong bagyong Inday.
Nagpaalala ang mga eksperto sa publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na abiso at huwag basta-basta maniwala sa mga hindi beripikadong impormasyon.
















