-- Advertisements --
Nagbitiw sa puwesto ang pangulo ng Turkish soccer club na Ankaragoco matapos na suntukin nito ang referee.
Sinabi ni Faruk Koca, pangulo ng nasabing soccer club, na kaya siya nagbitiw sa puwesto ay para maiwasan ang anumang pagganti sa mga manlalaro ng koponan o ang magalit ang tao sa buong team.
Inakusahan pa ng referee na si Halil Umut Meler na binantaan pa ang buhay nito matapos ang laro laban sa Rizespor.
Matapos na masuntok kasi ang referee sa kaliwang mata ay natumba ito ay sinipa pa siya ng dalawang manlalaro.