Patuloy ang pagbuhos ng tulong ng iba’t-ibang bansa sa Ukraine.
Ang pinakahuli ngayon ay ang Poland na magpapadala pa ng dagdag na 60 na mga modernong tangke na pandigma.
Mayroon na kasi silang naunang ipinangako na 14 na Leopard 2 na tangke.
Sinabi ni Polish Prime Minister Mateusz Morawiecki ang unang hakbang nila ay nakapagkumbinsi sa Germany na magpadala na ng kanilang Leopard 2 na tangke ganun din ang US.
Inanunsiyo rin ng gobyerno ng Belgium ang halos P100 milyon na military aid sa Belgium.
Nagkakahalaga ito ng $97.5 milyon na siyang pinakamalaking assistance package na naibigay ng Belgium sa Ukraine mula ng lusubin sila ng Russia.
Ayon kay Belgian Prime Minister Alexander De Croo na ang halaga ay bukod pa sa naunang $158 milyon na tulong na kanilang naidonasyon.
Naglalaman ang military aid ng humanitarian at civilian assistance gaya ng medical supplies at ambulansiya.










