-- Advertisements --

Umapela ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na kung maaari ay hindi na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga nagtatrabaho sa factory workers at sa construction sites.

Sinabi ni TUCP spokesperson Alan Tanjusay, maraming mga dumadaing sa kanilang opisina na mga factory workers at construction workers na nahihirapan sa trabaho habang nakasuot ang face shield.

Sagabal aniya sa trabaho ng mga ito ang nasabing face shield kaya hindi nila nagagawan ng mabuti ang kanilang trabaho.

Sinang-ayunan din ito ni Employers Confederation of the Philippine (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis Jr dahil ramdam nito ang hirap ng pagsuot ng faceshield habang nasa factory at construction site.

Magugunitang noong Agosto 15 ay ipinagutos ng gobyerno ang pagsusuot ng face mask at face shield sa pampublikong sasakyan at noong Agotso 21 ay dapat naka-faceshield din ang mga nasa commercial establishment kasama na ang mga malls.