-- Advertisements --

Nakataas ang tsunami warning sa siyam na probinsiya kasunod ng tumamang malakas na 7.8 magnitude na lindol sa Sarangani nitong umaga ng Lunes, Hunyo 8.

Sa inilabas na localized tsunami warning ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), inaasahan ang mahigit isang metrong taas ng alon ang tatama sa coastal areas, bays, at strait at maaaring magtagal ng ilang oras.

Kabilang sa coastal areas sa mga probinsiya na ibinabala ang tsunami warning ay sa Sarangani, Davao Occidental, South Cotabato, Sultan Kudarat, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Pinapayuhan ang mga residente sa nasa coastal areas sa mga nabanggit na lugar na agarang lumikas sa pinakamataas na lugar.