-- Advertisements --

Personal na manood si US President Donald Trump sa Game 3 ng NBA Finals sa pagitan ng New York Knicks at San Antonio Spurs.

Ayon kay Trump ay personal siyang inimbitahan ni Knicks owner James Dolan para manood ng nasabing laro.

Maililipat na kasi sa home court ng Knicks sa Madison Square Garden ang Game 3 ng best-of-seven finals sa araw ng Lunes.

Inaasahan ng New York Police District (NYPD) na magiging mahigpit ang ipapatupad ng seguridad sa lugar.

Muling nakabalik kasi ang Knicks sa NBA Finals sa unang pagkakataon mula noong 1999 kung saan nanood din si Trump noon.

Unang nagkampeon ang Knicks sa NBA ay noong 1973.