-- Advertisements --

Tinawag ni US President Donald Trump na isang ‘set-up’ lamang ang pagkakadisgrasya ng isang matandang lalaki ng ito ay itulak ng mga kapulisan sa Buffalo, New York.

Ayon sa US President, napanood niya ang video at malinaw na mas malakas pa ang pagbagsak ng lalaki kaysa sa pagtulak.

Sinasabi pa nito na tinangka ng biktimang si Martin Gugino na harangin ang radio signal ng mga kapulisan kaya ito itinulak.

Magugunitang dalawang pulis ang kinasuhan dahil sa pagtulak sa 75 anyos na si Gugino matapos na mawalan ito ng malay at dumugo ang ulo dahil sa lakas ng pagkabahala.