-- Advertisements --
Binanatan ni US President Donald Trump si Los Angeles Lakers star LeBron James.
Tinawag pa nito na isang “Nasty Hater” ang NBA superstar.
Matagal na rin na hindi ito nakapanood ng mga laro sa NBA dahil nakikialam na sila sa pulitika.
Paglilinaw pa nito na hindi siya interesado na makilala personal ang NBA star.
Inakusahan pa ng US President si James na tagapagsalita ng Democratic Party.
Magugunitang makailang beses na naglabas ng pahayag si James laban sa US President dahil sa nagaganap na racial discrimination sa US.