-- Advertisements --
Sinorpresa ni US President Donald Trump ang kaniyang mga supporters na naghintay sa labas ng Walter Reed Medical Center.
Lulan ng kaniyang sasakyan ay inikot niya ang mga kinaroroonan ng mga supporters na may dalang mga bandila.
Nakasuot ng face mask ang US President at kumaway lamang sa mga tao na nasa labas malapit sa pagamutan.
Tiniyak naman ng kaniyang personal na doctor na si Sean Conley na gumaganda na ang kalusugan nito.
Magugunitang itinakbo sa pagamutan ang US President ganun din ang asawang si Melania nitong Biyernes matapos na magpositibo ang mga ito sa coronavirus.