-- Advertisements --
Sinibak ni US President Donald Trump ang personal assistant nito dahil sa pagsiwalat sa publiko ng mga private information ng pamilya ng US President.
Si Madeleine Westerhout ay tinanggal matapos nalaman ni Trump na nakikipag-usap ito sa mga reporters.
Ipinagmamalaki pa ng 29-anyos na si Westerhout ang kaniyang access sa US President noong holiday sa New Jersey.
Mula pa noong unang araw ng pagkapangulo ni Trump naging empleyado na nito si Westerhout.
Dahil dito ay ikinokonsidera na siyang “separated employee” at pinagbabawalang makabalik na sa executive mansion.