Pinawi ni US President Donald Trump ang pangamba ng kaniyang mga supporters sa kaniyang kauna-unahang piublic message matapos nitong magpositibo sa COVID-19.
Sa kaniyang video message, bakas sa mukha ng Republican president na nasa maayos ang kaniyang kalagayan sa kabila nang nararamdamang sintomas.
Ipinaabot din nito ang kaniyang lubos na pasasalamat sa mga taong nagpapakita ng kanilang suporta at nagpaabot ng well-wishers sa kanilang mag-asawa.
Kaninang umaga ay lumapag na ang helicopter na sinasakyan ni Trump sa Walter Reed National Military Medical Center malapit sa Washington para doon magpagaling.
“I want to thank everybody for the tremendous support,” pahayag ni Trump.
“I am going to Walter Reed hospital. I think I am doing very well. But we are going to make sure that things work out,”
“The First Lady is doing very well,” dagdag pa nito.
Samantala, tuloy pa rin ang buhay para sa mga overseas Filipino wokers (OFWs) na nasa New York City kahit pumalo na ng 7.36 million ang kabuuang kaso ng deadly virus sa naturang estado.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Bombo International News Correspondent Allen Joy Ponella, malaking tulong aniya ang pagiging matatag ng mga Pinoy para malagpasan ang health crisis.










