-- Advertisements --

Hindi umano magdadalawang isip si President Donald Trump na makialam sa hinaharap na public crisis ng U.S. Navy matapos patalsikin sa pwesto ang aircraft carrier commander ng USS Theodore Roosevelt.

Ayon kay Trump, magaling daw itong ayusin ang kahit anong argumento

Tila mas lalo pang pinalala ni acting Navy Secretary Thomas Modly ang sitwasyom nang bigla itong magbigay ng talumpati sa mga manlalayag ng USS Theodore Roosevelt. Tinawag din ni Modly si dating Captain Brett Cozier na “too naive or too supid” para umano maging commanding officer ng naturang barko.

Kaagad namang humingi ng btawad si Modl sa Navy at kay Crozier dahil sa kaniyang binitawang salita. Nilinaw nito na hindi niya sinasadyang tawagin na “stupid” si Crozier at naniniwala umano ito na matalinong tao ang huli.

“We pick our carrier commanding officers with great care. Captain Crozier is smart and passionate,” wika ni Modly.

Ilang Democrats naman sa Kongreso ang nais tanggalin sa pwesto si Modly dahil sa ginawang paninira umano nito kay Crozier.