-- Advertisements --

Naglunsad ng sariling brand ng sapatos si dating US President Donald Trump.

Ipinakilala nito ang nasabing sapatos ilang araw matapos pagmultahan siya ng korte ng $355 milyon dahil sa pagsisinungaling sa halaga ng kaniyang mga ari-arian.

Ang sapatos na ipinakilala sa Philadelphia ay nagkakahalaga ng $399.

Kulay ginto ang nasabing sapatos na benta nito kung saan maraming mga suporters niya ang agad na bumili.