-- Advertisements --

Naghain ng not guilty plea si dating US President Donald Trump sa kasong kinakaharap nito sa Georgia.

Nagbunsod ang nasabing kaso dahil sa tangkang pagbaligtad nito sa resulta ng halalan noong 2020 kung saan nagwagi si US President Joe Biden.

Dahil dito ay hindi na ito dadalo ng personal sa Fulton County Court sa Atlanta sa susunod na linggo sa pagdinig ng kaniyang kaso.

Magugunitang sinampahan ni Fulton County District Attorney Fani Willis si Trump ng 13 felony counts, kabilang ang racketeering para gipitin ang mga opisyal na baligtarin ang resulta ng 2020 election.

Ito na ang pang-apat na kasong kinakaharap ni Trump mula ng ilunsad niya ang kaniyang kandidatura para sa pagkapangulo sa susunod na taon.