-- Advertisements --

Nagbanta si U.S President Donald Trump na magpapataw siya ng malaking multa sa estado ng California ito’y matapos manalo ang 16-anyos na transgender na si AB Hernanddez ng dalawang ginto at isang pilak sa State Track and Field Championships sa Clovis.

Una nang umani ng kontrobersya ang pagkakapanalo ni Hernandez, na isang trangender girl, dahil sa pangambang maapektuhan ang mga ”biological female” na atleta.

Ayon kay Trump sa isang post sinabi nitong nilabag umano ng California ang babala niya at dapat umanong managot si Governor Gavin Newsom.

‘A Biological Male competed in California Girls State Finals, WINNING BIG, despite the fact that they were warned by me not to do so, pahayag ni Trump.

‘As Governor Gavin Newscum fully understands, large scale fines will be imposed!!!’ dagdag ni Trump.

Samantala, iniimbestigahan na rin ng U.S Department of Justice kung nilabag ng California ang Title IX –isang batas na nagbabawal ng diskriminasyon batay sa kasarian sa mga paaralang tumatanggap ng pondo mula sa Federal Government.

Nabatid na nagpadala na ng liham ang U.S Department of Justice sa California Interscholastic Federation (CIF), na nagsasabing lumalabag sa batas ang patakaran nitong pinahintulutan si Hernandez na makipagkumpetensya sa kategoryang pambabae. Binigyan ng hanggang Hunyo 9 ang CIF upang i-atras ang naturang patakaran.