Nagbabala si US Pres Donald Trump sa Iran laban sa ulat na paniningil ng bayad sa mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz. Ayon kay Trump, dapat itong itigil agad kung totoo, dahil hindi umano ito bahagi ng kanilang kasunduan.
Patuloy namang apektado ang suplay ng langis sa Gulf dahil sa tensyon, na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis ng humigit-kumulang 50%. Malaki ang epekto nito sa mga bansang Asyano na umaasa sa imported na enerhiya.
Sinabi ni British Prime Minister Keir Starmer na nakikipag-ugnayan sila sa U.S. para muling mabuksan ang naturang daanan, kabilang ang pagbuo ng koalisyon at posibleng hakbang militar. Mahalaga ito upang makaalis ang mga na-stranded na barko at maibalik sa normal ang daloy ng kalakalan.
Samantala, naghahanda ang Japan na maglabas ng karagdagang oil reserves upang matugunan ang posibleng kakulangan sa suplay habang nananatiling limitado ang galaw ng mga tanker sa rehiyon. (report by Bombo Jai)
















