-- Advertisements --

Kakasuhan ni dating US President Donald Trump ang ang Facebook at CEO nito na si Mark Zuckerberg at Twitter kasama ang CEO nito na si Jack Dorsey at ang parents company ng YouTube at CEO nito na si Sundar Pichai.

Kasunod ito sa pagtanggal sa account ng dating US President sa mga social media platform.

Tinangga umano ng nasabing mga social media platform si Trump dahil sa panghihikayat nito sa mga supporters nito na lusubin ang Capitol Hills.

Magugunitang nagkaroon ng kaguluhan sa Capitol Hills ng lusubin ng mga supporters na ikinasawi ng ilang mga kapulisan.

Nauna ng sinabi ng nasabing mga social media platform na karapatan nila na tanggalin ang account ng kanilang user