-- Advertisements --

Itinanggi ni US President Donald Trump na minaliit lamang nito ang matinding epekto ng COVID-19.

Sinabi nito na kaniyang binigyang ng atensyon kahit na una ng inamin nito sa recorded interview na namaliit nito ang coronavirus.

Dagdag pa nito gumawa siya ng hakbang gaya ng pagbabawal sa mga mamamayan niya na bumiyahe sa China na pinagmulan ng virus.

Muling ipinagmalaki nito na nakahanda na ang COVID-19 vaccines sa mga susunod na linggo kahit may mga pagdududa ng mga health experts.

Magugunitang inilabas ng journalist na si Bob Woodward na sa interview nito kay Trump noong Enero na minamaliit niya ang epekto ng nasabing virus.