-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni US President Donald Trump ang alegasyon na ng ‘cover-ups’.

Ayon sa U.S. president wala itong pinagtakpan sa mga isinagawang imbestigasyon tungkol sa pagkakasangkot ng Russia noong nakaraang halalan.

Donald Trump
Donald Trump/ IG post

Nauna rito inakusahan ni House Speaker Nancy Pelosi ang pangulo ng ‘cover-ups dahil sa pagbalewala ng subpoenas, pagtago sa mga dokumento at pagharang sa mga testimonya ng mga kasalukuyan at dating advisers.

Isinagawa ng pangulo ang pahayag matapos na ito ay agarang umalis sa isinagawang pagpupulong ni Trump at Pelosi kasama si Senate President Chuck Schumer.