-- Advertisements --

Nagdesisyon si US President Donald Trump na huwag munang lumabas ng White House at magtungo sa mga political campaign.

Ito ay kahit na negatibo na sa coronavirus ang US President.

Ayon sa White House, lalahok na lamang ang US President sa virtual radio rally kung saan makakapanayam siya ng ilang mga radio station sa US.

Habang sina Joe Biden at Kamala Harris ay magtutungo sa Las Vegas, Nevada para doon magampanya.