-- Advertisements --

Wala pang malinaw na kasagutan si US President Donald Trump kung ito ay sasali sa labanan sa pagitan ng Israel at Iran.

Sinabi nito na walang makakaalam kung sasawsaw ba ang US sa nasabing labanan.

Ang malinaw aniya ngayon ay nahaharap sa malaking gusot ang Iran kaya kailangan nitong makipag-negosasyon.

Una na rin ng nagbanta ang Iran na dapat ay huwag makialam ang US sa laban nila ng Israel.