-- Advertisements --
Balik kampanya na si US President Donald Trump matapos ang paggaling nito sa coronavirus.
Magtutungo ito sa Sanford, Florida para isagawa ang rally.
Mayroon ng ipinatupad ang kaniyang campaign team na mga health protocols kung saan lahat ng mga dadalo ay binibigyan nila ang iba ng mga face mask.
Target ng kaniyang kampo na makuha ang majority ng 29 electoral votes ng Florida gaya ng ginawa niya noong 2016.
Nasa Ohio naman ang katunggali nitong si Democratic nominee Joe Biden para sa puspusang kampanya.










