-- Advertisements --
Hiwalay na dadalo sa magkaibang town hall meeting sina US President Donald Trump at Democrats nominee Joe Biden.
Ito ay matapos na tuluyang kanselahin ang ikalawang town-hall debate ng dalawa dahil hindi sa pumayag si Trump na isagawa ito na gawing virtual.
Dadaluhan ni Trump ang townl hall meeting ng NBC na gaganapin sa outdoor ng Miami.
Ang mga dadalo ay dapat nakasuot ng facemask at may distansya ng 12 feet sina Trump at host na si Savannah Guthre.
Dadalo naman si Biden sa town hall ng ABC sa Philadelphia.
Dahil dito ay may pagkakataon ang mga mamamayan ng US na mamili ng kanilang papanoorin na gusto nilang debate.