-- Advertisements --

Muling ibinalik ng Trump administration ang dating guidelines sa Estados Unidos para sa mga indibidwal na gustong sumailalim sa COVID-19 testing.

Ang sinomang gustong malaman kung carrier sila ng deadly virus ay maaaring magpa-COVID test.

Ito’y kasunod ng kabi-kabilang kritisismo ng public health officals at mga eksperto sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) noong Agosto matapos sabihin nito na hindi kailangan magpa-tests ang mga taong walang nararanasang sintomas ng virus.

Batay sa ulat, karamihan ng mga estado sa Amerika ang hindi natuwa sa hakbang ng CDC.