-- Advertisements --

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Gardo ngayong hapon.

Batay sa pinakahuling datos, ang sentro ng bagyo ay matatagpuan sa layong 1,400 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 85 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso ng hangin na umaabot sa 105 kilometro kada oras.

Sa kasalukuyan, kumikilos ito sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 45 kilometro kada oras.

Bagama’t nasa loob na ng PAR ang bagyo, wala pang nakataas na wind signal sa alinmang bahagi ng bansa.

Pero kahit walang direktang pagtama sa lupa ang bagyo, maaari naman itong humatak ng hanging habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa western section ng ating bansa.