Napanatili ng bagyong Obet ang lakas nito habang tinutumbok ang silangan ng dulong bahagi ng Northern Luzon.
Huling namataan ang sentro ng tropical depression Obet na tinatayang nasa 880 km east ng extreme Northern Luzon.
Taglay pa rin ng sama ng panahon ang 45 km/h malapit sa gitna at merong pagbugso na umaabot sa to 55 km/h.
Mabagal pa rin ang pagkilos ni “Obet” na tinatahak ang direksiyon na west southwestward.
Sa ngayon hindi pa nagpapalabas ang Pagasa ng tropical cyclone wind signal sa anumang lugar sa Luzon.
Gayunman, nagpahiwatig ang weather bureau na posible nitong umaga ng Huwebes ay magtaas na rin ng signal number 1 sa bahagi ng Northern Luzon at maaaring ang pinakamataas ay aabot sa signal No. 2.
“Friday early morning through Saturday early morning: Moderate to heavy with at times intense rains possible over Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, and the northern portion of mainland Cagayan. Light to moderate with at times heavy rains possible over Batanes, the northern portion of Ilocos Sur, Abra, Kalinga, and the rest of mainland Cagayan. Saturday early morning through afternoon: Light to moderate with at times heavy rains over Batanes, Babuyan Islands, Apayao, Ilocos Norte, and the northern portions of Abra and Ilocos Sur,” bahagi pa ng abiso ng Pagasa.
“Tropical Depression OBET is forecast to track west southwestward until Friday morning while accelerating before turning westward towards Northern Luzon or the Luzon Strait. On the track forecast, the center of OBET may traverse Extreme Northern Luzon or the northern portion of mainland Northern Luzon between Friday evening and Saturday morning. OBET is forecast to gradually intensify and may reach tropical storm category by late Friday or early Saturday. Further intensification is likely once OBET reaches the West Philippine Sea.”