Inakusahan ni dating Sen. Antonio Trillanes IV si Sen. Alan Peter Cayetano bilang ‘magaling na gaslighter’.
Ayon kay Trillanes, pipilitin pa ni Cayetano na i-gaslight ang lahat, basta’t kaya niya.
Ginawa ng dating senador ang naturang pahayag kasabay ng kaniyang babala laban sa umano’y posibleng hakbang o pagtatangka ng dating Senate president upang maapektuhan ang impeachment proceedings laban kay VP Sara Duterte.
Ayon pa kay Trillanes, hindi dapat maliitin si Cayetano dahil ‘napaka-creative ng kaniyang pagiging mapag-manipula.
Hindi aniya nauubusan ng paraan ang dating Senate leader upang makakuha ng atensiyon o magdulot ng komplikasyon sa proseso.
Maaari rin aniyang gumamit si Trillanes ng iba’t-ibang estratehiya upang maprotektahan ang kaniyang sariling interest.
Sa ngayon, wala pang sagot ang dating SP sa panibagong patutsada ni Cayetano. (report by Bombo Jai)
















