(Update) BUTUAN CITY – May “persons of interest” nang sinusubaybayan ang pulisya sa mga responsable sa brutal na pagpatay sa dalawang miyembro ng tribung Manobo kagabi sa San Miguel, Surigao del Sur.
Nakilala ang mga biktimang sina Zaldy “Domingo” Ybañez, 65-anyos, at Datu Bernardino “Bandi” Astudillo, 70-anyos, tribal chieftain ng Barangay Magroyong ng nasabing bayan.
Ayon kay San Miguel Surigao del Sur Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Rico Maca, dakong alas-7:00 kagabi nang sapilitang kaladkarin ang dalawa mula sa kani-kanilang bahay at tinadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan sanhi ng kanilang agarang kamatayan.
Lumabas sa inisyal na imbestigsyon na mga miyembro umano ng New People’s Army (NPA) ang umatake sa mga biktima dahil personal itong nakita ng kanilang mga kaanak.
Inalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.