-- Advertisements --

Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagdinig sa plunder case ni dating Senate Pres. Juan Ponce Enrile kaugnay ng pork barrel scam.

Pinayagan ng anti-graft court 3rd Division ang kampo ni Enrile na makapaghain ng kanilang proposed stipulations of facts hanggang Lunes.

Habang binigyan ng mga mahistrado ng 10 araw ang prosekusyon para makapag-komento kapag nahain na ni Enrile ang mga ebidensya.

“The Bill of Particulars only supplements the criminal information filed. It is not meant to limit the evidence to be presented by the prosecution on this case,” ayon kay Division Chairperson and Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Humarap sa korte ang abogado ni Enrile na si Atty. Estelito Mendoza para hilingin ang nais ng kanyang kliyente.

Una ng itinakda ng Sandiganbayan ang petsa ngayong araw bilang schedule ng trial sa kaso ni Enrile.

Ayon kasi sa korte, wala ng dapat pang linawin sa mga ebidensyang inihain laban sa dating senador dahil inaprubahan na nito ang mosyon para maglabas ng material evidence ang prosekusyon.