-- Advertisements --

Mananatili ang status quo sa mga travel restrictions hanggat walang desisyon mula sa mga LGU na gawing “unrestricted” ang paggalaw ng mga tao sa kanilang mga lugar.

Ito ang inihayag ni PNP Deputy Chief for Administration at JTF Covid Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar matapos payagan ng IATF ang “unrestricted travel” sa lahat ng panig ng bansa.

Nilinaw ni Eleazar na ang “unrestricted travel policy” ay subject parin sa regulasyon ng mga LGU, lalu na kung mayroon silang sariling quarantine rules.

Ayon kay Eleazar, ito ang dahilan kaya inatasan nito ang mga local police commanders na makipag-coordinate sa mga LGU sa mga travel protocols na ipatutupad sa kani kanilang mga areas of responsibility.

Paliwanag ni Eleazar, maari kasing may mga LGU na nais agad buksan ang kanilang mga lugar para mabuhay ang lokal na turismo at mayroon ding mga LGU na gusto pa ring panatilihin ang travel protocols para sa kaligtasan ng kanilang mga mamayan.

Siniguro naman ni Eleazar na patuloy na mag-assist ang JTF Covid Shield sa mga LGU sa pagpapatupad ng kanilang local quarantine restrictions, kung meron man.