-- Advertisements --

Hindi pa rin iniaatras ng mga transport group ang kanilang petisyon ng dagdag pasahe.

Ito ay kahit na nagpatupad ng malakihang roll-back ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

Nais ng mga transport group na gawing P12.00 na lamang ang minimum na pasahe mula sa dating P9.00.

Inaasahan kasi nila na pansamantala lamang ang pagbaba ng presyo ng mga langis at sila ay muling magtataas matapos ang ilang linggo.

Magugunitang nagpatupad ng mula P0.90 hanggang P1.25 na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.