-- Advertisements --

Nanawagan si Senadora Imee Marcos ng transparency ng mga kongresista kaugnay sa term limit extensions. 

Sinabi ni Senadora Marcos na magpakatotoo ang mga Congressman hinggit sa usaping ito. 

Aniya, panahon na para ihayag ng Kmara ang tunay na intensyon, na iginiit na ang mga pag-amyenda ay lampas na sa economic provisions at  layong palawigin ang term limits ng ilang elective officials, kabilang ang mga kongresista.

Nababahala si Marcos na ang pagpapalawig ng mga termino ay maaaring humantong sa korapsyon at kung ano-ano pang ideya. 

Magugunitang, hinamon ni House Majority Floor Leader Mannix Dalipe ang 24 na mga Senador na ihayag ang kanilang posisyon kaugnay sa pag-amyenda ng economic provisions ng 1987 Philippine Constitution. 

Hiniling din nila sa Senado na agarang isaalang-alang at ipasa ang Resolution of Both Houses No. 6 (RBH 6), na naglalayong amyendahan ang ilang  economic provision ng Konstitusyon ukol sa public services, education and advertising.

Binigyang-diin din ni Marcos ang napakalaking gastos na nauugnay sa proseso ng pag-amyenda sa Saligang Batas.

Iminungkahi ng Senadora na i-redirect ang naturang pondo upang matugunan ang mga mabibigat na isyu tulad ng mga lugar na sinalanta ng sakuna sa Davao, sa halip na sayangin ang mga ito sa mga walang kwentang talakayan.