-- Advertisements --

evac1

Batay sa inilabas na pinakahuling advisory nitong araw, inilagay ng DOST-PAGASA ang Metro Manila sa ilalim ng Tropical Cyclone Signal Number 3, habang tumitindi at lumalapit si Karding patungo sa lalawigan ng Quezon.

Kaugnay nito, sinuspinde ang trabaho sa lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Setyembre 26, 2022, Lunes.

Subalit, ang mga mahahalagang serbisyo, na kinabibilangan ng pagpapatupad ng batas, pamamahala sa trapiko, proteksyon sa sunog, kalusugan at pagsagip, pagtugon sa sakuna at pamamahala bukod sa iba pa, ay mananatiling walang tigil.

Samantala, kasalukuyan nang isinasagawa ang forced evacuation sa mga high-risk areas sa Barangay Bagong Silangan gaya ng Tagumpay Extension, Tumana, New Greenland, Clemencia at Isla Puting Bato.

Ang mga inilikas ay pansamantalang mananatili sa Bagong Silangan Isolation Building.

Nakahanda na rin ang Bagong Silangan Elementary School at Bagong Silangan High School para sa evacuees.