STAR CEBU- Nakatakdang buksan ng muli ang tourismo sa probinsiya ng Cebu ngayong isinailalim na ito sa modified general community quarantine (MGCQ) upang makabawi sa ekonomiyang nawala bunsod ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa executive order No. 20 ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, papayagan na ang publiko na magsagawa ng mga aktibidad gaya ng whale watching, canyoneering, snorkeling, diving, parasailing at island-hopping.
Kaugnay nito, dapat mahigpit pa ring ipapatupad ng mga LGUs ang mga health protocils gaya ng social distancing at palaging mag-sanitize.
Papayagan na rin ang cross-border swimming kung saan maari nang makatawid sa kalapit na bayan at may access sa mga beaches.
Sinabi pa ng gobernadora na gaya ng pagligtas ng buhay, mahalaga rin na iligtas ang kabuhayan.
Sa naunang pagpupulong kasama ang chief executives at tourism officers ng LGUs na namamahala ng mga tourist spots sa Cebu, tinatalakay nito na i-disinfect sa pamamagitan ng ultraviolet (UV) sterilization device ang mga kadalasang ginagamit na equipment sa mga tour activities gaya ng life vests at iba pang protective gears.
Iminungkahi din na iwasan muna magsabay ng hindi miyembro ng pamilya lalo na habang sakay ng bangka sa whale-watching activity.
Nakatakda namang magsagawa ng meeting ang Department of Tourism (DoT), Department of Health (DoH), at Department of Trade and Industry (DTI) para isasapinal ang nasabing EO.