-- Advertisements --
Namayani pa rin ang Milwaukee bucks laban sa Philadelphia Sixers sa banggaan ng Eastern Conference top teams.
Nanguna sina NBA MVP Giannis Antetokounmpo na may 27 points at si Khris Middleton na nag-ambag ng 24 puntos upang itala ang kanilang ika-36 na panalo.
Liban nito, napigil din ng Bucks ang limang sunod nilang talo sa kanilang teritoryo.
Ang Bucks ay nasa ikatlong puwesto.
Sa kampo ng 76ers nasayang ang 24 points ni Joel Embiid kung saan natigil ang natipon nilang 39 panalo ngayong season.
Tabla na sila ngayon Brooklyn bilang number 1.
Ang Sixers at Bucks ay muling magtutuos sa Linggo.