-- Advertisements --

Pormal nang ipinakilala bilang legal spokesperson ng House Prosecution Panel 

ang kilalang litigator na si Atty. Benjamin Tolosa Jr.  sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Ito ang inihayag ni House Committee on Justice Chair at lead prosecutor Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.

Ayon kay Luistro, inaasahan ding magsusumite si Tolosa ng kanyang pormal na paglahok bilang isa sa mga pribadong prosecutor na tutulong sa House prosecution panel.

Sinabi naman ni Tolosa na mahalagang proseso sa ilalim ng Konstitusyon ang impeachment bilang mekanismo ng pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan. Dagdag niya, magsisilbi rin siyang tagapagsalita upang magbigay ng agarang update sa publiko kaugnay ng mga pagdinig.

Kasalukuyang nagsasagawa ng pre-trial proceedings ang Senate impeachment court upang ayusin ang mga ebidensiya at iba pang usaping pamamaraan bago ang mismong paglilitis.