-- Advertisements --

Nag-file ng leave of Absence si AFP Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations (J7) Mgen. Benedict Arevalo.


Sa isang statement, sinabi ni Arevalo na ito ay upang hindi maka-impluwensya sa imbestigasyon kaugnay ng inilabas na listahan ng kanyang tanggapan ng mga umano’y taga-UP na napatay o nahuli sa enkwentro sa NPA.

Una nang inamin ni Arevalo na nagkamali ang kanyang mga tauhan sa pag-post Sa Facebook ng listahan na may mga maling pangalan, at inaako niya ang responsibilidad bilang kanilang pinuno.

Nauna rito, sinibak sa pwesto ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Deputy Chief of Staff for Intelligence (J2) Mgen. Alex Luna, dahil sa tanggapan umano nito nanggaling ang maling listahan na inilathala ng J7.

Sinabi ni Lorenzana na binase niya ang kanyang desisyon sa prinsipyo ng “Command responsibility” kung saan pananagutan ng mga commander ang anumang aksyon ng kanilang mga unit.

Sinabi naman ni AFP Spokesperson Mgen. Edgard Arevalo na magpapatuloy parin ang imbestigasyon sa insidente upang malaman ang totoong nangyayari at Hindi na ito maulit sa hinaharap.

Sa ngayon, mananatili sa office of the chief of staff si Gen. Alex Luna habang ongoing ang investigation.