CENTRAL MINDANAO-Ginawaran ng Plaque of Commendation ang isang Kadete ng Philippine Military Academy na si Cadet 1CL Jake Anthony Egaran Mosquera sa ika 132nd na regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng probinsya ng Cotabato.
Pinangunahan ni Vice-Governor at Governor elect Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato ang pag gawad sa kadete bilang pagkilala sa kanyang di matawarang pagganap at pagsumikap upang magtagumpay.
Si Cadet 1CL Jake Anthony Egaran Mosquera ay 23 na taong gulang na nagmula sa Upper Baguer, Pigcawayan, Cotabato. Siya ay pumasok sa PMA taong 2018 at nagtapos ngayong taon bilang Top 6 Cadet of the Philippine Military Academy sa ilalim ng “Bagsik-Diwa” class of 2022.
Malaki ang pasasalamat ni Hon. Mendoza sa mga katulad nitong nagsusumikap upang maabot ang mga pangarap at hangad ang makatulong sa pagsulong ng kapayapaan sa ating lalawigan.