-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nalambat ng mga otoridad ang Top 1 Most Wanted Person sa Surigao del Sur matapos ang higit tatlong buwan na pagtatago.

Nakilala ang suspek na si Reland Descuatan Diesto, nasa hustong gulang, na taga Brgy. Bajao, Tago, Surigao del Sur.

Naaresto ng mga pulis si Diesto sa Sitio Kisulao, Brgy. Bao, Alamada, Cotabato sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte na may petsang March 3, 2022.

Ito ay may kaugnayan sa kaniyang kaso na paglabag sa Republic Act 9262 o ang Violence Against Women and Children (VAWC).

Naging matagumpay ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa pakikipagtulungan ng Tago Municipal Police Station sa Alamada PNP.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad si Diesto at dinala pabalik ng Surigao Del Sur.