-- Advertisements --
Magiging bagong import ng Barangay Ginebra San Miguel ang 34-anyos na si Tony Bishop sa paparating na 2023 PBA Commisioner’s Cup na magsisimula sa susunod na buwan.
Kinumpirma ito mismo ni coach Tim Cone na ang dating import ng Meralco ang kanilang napili dahil solid ang depensa at versatile player sa loob ng court.
Aminado si Cone na muntik na nilang hindi nakuha si Bishop dahil naghahanda na sana itong tumungo sa Mexico na maglalaro din bilang import.
Matandaang nag harap si Brownlee at Bishop noong 2021-2022 PBA Governors Cup at naipanalo ng Ginebra sa 4-2 series laban sa Meralco Bolts