-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng TNT Tropang Giga ang Blackwater Bossings 138-116 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.

Nagpakitang gilas sa kaniyang unang laro ang bagong import ng TNT na si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 37 points, 13 rebounds at pitong assists.

Tinanghal naman na best player of the game si Roger Pogoy na nagtala ng 40 points, siyam na rebounds at tig-isang assist at steal.

Ito na ang ang pang-apat na sunod na panalo ng TNT na mayroong anim na panalo at isang talo habang ang Blackwater ay mayroog isang panalo at limang talo.