-- Advertisements --

Pinahiya ng TNT Tropang Giga ang Magnolia Chiken Timplados Hotshots 78-72 sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup.

Nanguna sa panalo ng TNT si Troy Rosario na nagtala ng 22 points, 10 rebounds habang mayroong 16 points, anim na assists at dalawang rebounds si Jayson Castro at limang puntos, 14 na rebounds si Poy Erram.

Mayroong lamang 2 points ang kalamangan ng TNT sa natitirang 1:06 sa last quarter ng maipasok ni Castro ang kaniyang free throws.

Nasayang naman ang nagawang 18 points at 10 rebounds ni Ian Sangalang at 12 points, 12 rebounds ni Calvin Abueva.